Spell Saab

vivatregina:

Tatagalugin ko na para mas madaling maintindihan.

2007 o 2008 palang, nandito na si Saab Magalona. Kung 2009 lang kayo sumali (katulad ko, na sumali ng January, at tahimik pa dito noon), wala kayong karapatan mag-inarte na tuma-Tumblr siya kasi nauna siya sa inyong lahat, pati na rin sa akin. Wow, ang feeling indie ha! Kung galit kayo na nandito si Ramon Bautista, kasalanan ko yun (in part) kasi kinulit ko talaga siya (pati na rin si RA Rivera) na gumawa ng sarili niyang Tumblr.

Hindi niyo naman kailangang sundan yung mga sumusunod sa kanila sa Tumblr kung ayaw niyo. Hindi niyo kailangang sundan yung mga Tumblr nila kung ayaw niyo. So ano ba talaga yung problema dito? Kayo rin naman ang namamahala sa kuntentong (I have a feeling that’s totally the wrong word, but you get what I mean) nakikita niyo sa mga Dashboard niyo diba? Kung ayaw niyong makita, huwag niyong sundan. Tapos.

At sino bang nagsabi na kayo ang magmamay-ari ng Internet? Kaloka!

Oh my goodness, I love you Reggie!!! HAHAHA although I don’t think all those nasty comments were for me because most of them aren’t from here. They were more angry at Katy Perry (who was here even before me)! But anyway sobrang natawa ako sa “kaloka!” sa dulo nung post mo! I’m really touched given the fact that you don’t really use your Tumblr to blog about these things. Thanks, teh. Kaloka!!! :))

February 26, 2010
February 26, 2010

Saab

LEAVE A COMMENT

RELATED POSTS